Screaming Infidelities

the juvy macapagal chronicles

Archive for June 2009

Straight to the point.

with one comment

Naiinis ako sapagkat hindi niyo ata naiisip na maraming mahahalagang bagay ngayon ang nangyayari. Hindi niyo(natin) alam ang mangyayari sa bukas, pero ang isip niyo ay nasa kalawakan. Ang hirap abutin ng mga paang nakaapak sa ulap, habang narito ang reyalidad na marami ang taon inaapak-apakan sa lupa.

Higit pa sa kahayupang hatid ng mga mapanikil ang hindi pagpuna, hindi pagpansin sa paghihirap ng nakararami.

Paano nga ba maabot ang mga bituing kay ningning, kay taas?
Paano niyo nga mababatid na may isang lugar na kailangan ng iyong liwanag?

Kailan pa kaya?

Written by juvymacapagal

June 25, 2009 at 12:31 pm

Posted in Uncategorized