Archive for April 2009
On Global Economic Crisis
Ang Tungkulin ng Kabataan sa Global Economic Crisis Ano nga ba ang tungkulin na ginagampanan ng mga kabataan tungkol sa Global Economic Crisis? Pero bago ang lahat, alamin muna natin kung ano nga ba ang Global Economic Crisis. Ang Global Economic Crisis ay ang krisis na kinahaharap ngayon ng maraming mauunlad na bansa kagaya ng United States at ng Europe. Ito ay nagsimula noong Setyembre ng nakaraang taon na patuloy na nagaganap hanggang sa panahon ngayon. Ito ay nag-ugat sa pagbagsak ng malalaking kumpanya sa kanlurang bahagi ng mundo at nakaapekto sa maraming bansang umuunlad kagaya ng Pilipinas. Sa perspektiba ng Human Rights, malaking bilang ng populasyon ang naaapektuhan ng Global Economic Crisis. Maraming kumpanya ang nagsasara o di kaya naman ay nagtatanggal ng mga manggagawa. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng pagsagka sa mga karapatang pantao ng mga manggagawa at gayundin sa karapatan ng kanilang mga pamilya kasama ang kanilang mga anak. Ang kumpitensya sa pagitan ng mga manggagawa ay umiigting sa kanilang kagustuhang malagpasan ang krisis at manatili sa trabaho. Sa ganitong sitwasyon, maraming karapatan ang natatamaan sa sector ng kabataan. Nariyan ang karapatan sa edukasyon. Sa nagaganap na krisis, hindi nakatitiyak ang sinuman, lalo na ang mga maliliit na manggagawa at empleyado sa kanilang mga hanapbuhay. Lumiliit tuloy ang chansa ng ibang mga kabataan na makapag-aral lalo na sa mataas na paaralan at sa kolehiyo. Ang ibang kabataan ay napipilitan na lamang na magtrabaho at tumigil sa pag-aaral upang kumita at makaahon sa kahirapan. Isa pang epekto nito sa kabataan ay sa aspekto ng trabaho. Marami sa mga kabataang nakapagtapos naman ng pag-aaral ang mawawalan o mababawasan ng pagpipilian sa trabaho. May ibang pumipili na lang ng trabaho na hindi naman akma sa tinapos na propesyon, kagaya ng ibang nagtapos nga ng nursing, ngunit mangingibang bansa upang maging domestic helper o caregiver. Maaaring magkaroon ng mga pagkakataon kung saan ay makaaapak sa karapatan ng ibang tao ang iba para lamang makaahon sa krisis na ating kinahaharap. Ang Global Economic Crisis ay isang isyu ng ‘survival of the fittest’ kung saan ang pinakamatibay at pinakaalwan ang mananatili. Sa ganito kalaking isyu, ano nga ba naman ang magagawa nating mga kabataan? Siguro iisipin nating hindi naman tayo maapektuhan nito dahil bata pa tayo, pero kalaunan ay mararanasan natin ang iba’t ibang epekto ng Global Economic Crisis. Nandiyan ang patuloy na pagtaas ng bilihin, mga serbisyo at krudo, ang pagbagsak ng mga industriya at malalaking kumpanya at marami pang iba. Bilang isang kabataan, maraming paraan ang maaaring gawin upang makatulong sa krisis na kinahaharap ng ating bayan at ng mundo. Hindi man malalaking bagay na agad makaaapekto sa takbo ng ekonomiya, ngunit simple at nakasisiguro sa pagprotekta sa karapatang pantao at pag-unlad ng mga susunod na henerasyon Wag nating iisipin na dahil sa tayo ay kabataan, wala na tayong magagawa. Sa halip ay isipin natin na bata pa tayo at mahaba pa ang panahon natin upang harapin ang mga hamon ng buhay at makatulong di lamang sa ating mga sarili kundi pati na rin sa ating bayan. Ang usapin ng Global Economic Crisis ay isang issue na nararanasan saan mang panig ng mundo. Angpagharap sa Global Economic Crisis ay isang malaking hamon para sa mga kabataan, hamon na malagpasan ang krisis ng hindi nakakaapak sa karapatang pangtao ng ibang tao bagkus ay makatulong sa mas nakararami upang sama samang malagpasan ang nasabing krisis. Marahil ay napakaidealistikong sabihin ang ganitong pagtugon ukol sa krisis na ating kinahaharap ngunit ito ang pinakaposibleng magawa ng mga kabataan. Gaya nga ng sabi ni Rizal: Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kahit na ngayon sa makabagong panahon ay naniniwala pa ren ako na may katotohanan ang kanyang mga binigkas. Ang pagiging simple at masinop ng mga kabataan ay makatutulong sa unti-unting pag-unlad ng ating bayan. Ito ay isang hamon higit sa isang pagsubok upang tayong mga kabataan ay maging matatag at tunay ngang maging pag-asa ng ating bayan.
———————–
This is an article I made for my OJT at the Task Force Detainees of the Philippines. The article is about the role of youth on Global Economic Crisis. Global Economic Crisis is an issue that is experienced mostly of the western developed countries and has adverse effects on dependent eastern developing countries. I’m not really good in writing in Filipino, or writing per se, but I tried really hard. What I wrote in my paper is seriously what I believe in.
I fear that the Global Economic Crisis might affect my family, since my dad is working in a country who’s economy is highly dependent on export and import industry. There is a big chance that his company might get hit big time by the crisis.
Right now, I can say that I have learned so much about the value of human rights from my OJT. It is not hard to understand that with the crisis we all are facing now, a lot of our human rights can be violated. And when this happens, we should all be aware of our rights and fight for the fulifillment of it.